Calendar
Driver nagbenta ng baril na walang lisensiya sa parak, timbog
HULI sa entrapment ng mga pulis ang driver na sangkot sa pagbebenta ng armas noong Biyernes sa Paranaque City.
Inaresto ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) acting director P/BGen. Randy Arceo si alyas Jhastian ng pagbentahan ang naka-transaksyong pulis ng cal .45 pistol bandang ala-1:30 ng madaling araw sa Dr. A. Santos Avenue, Brgy. San Antonio.
Ayon kay P/Lt. Col. Antonio Ananayo, Jr. hepe ng District Special Operation Unit (DSOU), nagkasa sila ng entrapment matapos mag-positibo ang impormasyong nakalap kaugnay sa pagbebenta ng walang papeles na armas ng suspek.
Bukod sa binentang baril, nakumpiska kay alyas Jhastian ang isa pang cal .38 revolver, dalawang magazine ng kalibre .45 na may tig-dalawang bala at apat na bala ng kalibre .38.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek sa Paranaque City Prosecutor’s Office.

