Statement Source: House Speaker’s Office

House Speaker binuo muli SALN Review anD Compliance Committee, sariling SALN inilabas sa media

261 Views

INILABAS ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III nitong Miyerkules ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa media.

Ayon kay Dy, dati ay bukas sa publiko ang mga SALN ng mga mambabatas, at nararapat lamang na muling isaalang-alang ng Kongreso ang pagbabalik sa nasabing patakaran.

“Noong panahon natin, open naman para makita ng publiko ‘yung ating SALN,” ani Dy.

Nang tanungin siya ni Ted Failon kung handa siyang ilabas ang kanyang SALN, sinabi ni Dy:

“Kung kinakailangan, syempre, lead by example tayo.”

Bukod dito, muling binuo ni Speaker Dy ang SALN Review and Compliance Committee ng House of Representatives, alinsunod sa Republic Act No. 6713 at bilang tugon sa kanyang naunang pahayag ukol sa muling pagsusuri ng mga patakaran ng Kamara sa paglalabas ng SALN.

Sa isang memorandum order na may petsang Oktubre 20, 2025, itinalaga si Deputy Speaker at South Cotabato 2nd District Rep. Ferdinand L. Hernandez bilang Chairperson ng Komite. Kasama niyang Vice Chairpersons sina Iloilo 3rd District Rep. Lorenz R. Defensor at Marikina 2nd District Rep. Romero Federico S. Quimbo.

Kabilang sa mga miyembro ng Komite sina:

TGP Party-list Rep. Jose “Bong” J. Teves Jr.

Tarlac 2nd District Rep. Maria Cristina C. Angeles

Quezon 1st District Rep. Wilfrido Mark M. Enverga

Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo M. Barba

Dinagat Islands Lone District Rep. Arlene J. Bag-ao

Upang magbigay ng teknikal at administratibong suporta, bubuuin ang Secretariat mula sa mga senior officials ng Legal Affairs, Legislative Operations, Administrative Departments, Office of the Secretary General, Committee on Rules, at Records Management Service, kasama ang isang kinatawan mula sa Office of the Speaker.

Sa parehong memo, na agad na ipatutupad, sinabi ng Speaker na “ipagpapatuloy ng Komite ang kanilang tungkulin alinsunod sa House Memorandum Order No. 17-42 (SPK) na may petsang Disyembre 20, 2016, at sa Rules of Procedure in the Filing, Review, and Disclosure of, and Access to, the SALNs of Members, Officials, and Employees of the House of Representatives sa ilalim ng Resolution No. 176 na inaprubahan noong Enero 30, 2019.”

Ang muling pagbubuo ng SALN Committee ay kasunod ng pahayag ng Speaker noong nakaraang linggo na muling rerepasuhin ng Kamara ang mga patakaran sa pampublikong paglalantad ng SALN ng mga miyembro upang masiguro ang transparency at accountability.

Sa isang panayam sa radyo kay dating mambabatas at broadcaster na si Ted Failon, sinabi rin ni Dy na bukas naman ang karamihan sa mga miyembro ng Kamara sa ideya ng pampublikong paglalabas ng kanilang SALN.

House Speaker, Inilabas ang Kanyang SALN sa Media, Binuo Muli ang SALN Review and Compliance Committee

Inilabas ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III nitong Miyerkules ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa media.