Calendar
Inihayag ni NBI Director Jaime Santiago ang operasyon ng mga NBI agents na nagsagip sa mga biktima.
5 biktima ng child abuse ligtas; 1 suspek tiklo
INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (HTRAD), sa pamumuno ni director Jaime Santiago, ang isang suspek sa paglabag sa Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials Act at Qualified Trafficking in Persons at nailigtas ang limang biktima na may edad 10 hanggang 15-anyos.
Ini-refer ang kaso sa NBI-HTRAD ng Dutch National Police sa Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) na may kinalaman sa isang indibidwal na pinaniniwalaang sangkot sa child sexual abuse at exploitation materials (CSAEM).
Noong Oktubre 9, 2025, na-verify ng NBI-HTRAD agents na naninirahan ang suspek sa Caloocan City.
Dahil dito, nag-aplay ang mga ahente ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) upang hanapin ang lugar at suriin ang iba’t-ibang mga computer device para makakuha ng ebidensya para sa pag-uusig sa kalaunan.
Sa aghahanap, narekober ng mga operatiba ang ilang device mula sa suspek at nakumpirma ang pagkakaroon ng iba’t-ibang CSAEM.

