Heneral

Mga retiradong heneral nagbabala vs military junta

201 Views

NAGSALITA na ang mga retiradong opisyal ng militar sa gitna ng tensyong pampulitika, at nagbabala laban sa anumang hakbang na labag sa Konstitusyon gaya ng pagtatatag ng military junta, na anila’y “catastrophic betrayal of democracy.”

Sa isang matinding pahayag na may petsang Oktubre 24, sinabi ng Association of General and Flag Officers (AGFO), na binubuo ng retiradong senior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang kanilang “full and unequivocal support” sa Department of National Defense (DND) at sa pamunuan ng militar sa kanilang paninindigan para sa kaayusang konstitusyonal.

“Any extra-constitutional move, such as a military junta, would be a catastrophic betrayal of our democracy,” pahayag ng grupo.

“It would betray the very democratic principles we spent our careers defending and invite devastating consequences that would harm our economy, our international standing, and the daily lives of every Filipino,” giit pa nito.

Inilabas ang pahayag sa gitna ng mga pagsisiwalat ng korapsyon sa mga proyektong imprastruktura ng pamahalaan at mga spekulasyon ukol sa umano’y destabilization efforts.

Nauna nang nagbabala si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ng “catastrophic consequences” kung may grupong susubok na pahinain ang civilian authority o constitutional order.

Sinabi ni AGFO President Maj. Gen. Gerardo Layug (Ret.) na sinusuportahan ng grupo ang panawagan ni Teodoro para sa pagkakaisa at pagsunod sa mga demokratikong proseso.

“As history has repeatedly taught us, the military is not the solution to political problems,” ayon sa statement.

Kinilala ng grupo ang malawakang galit ng publiko sa mga iskandalo ng korapsyon, ngunit iginiit ang malinaw na pagkakaiba ng lehitimong pagtutol at mga hakbang na labag sa Konstitusyon.

“We recognize and share the profound, righteous indignation against corruption. This is not a partisan cause; it is a patriotic duty,” sinabi ng AGFO.

“However, a clear and unambiguous line must be drawn. To peacefully demand accountability from public officials is a protected democratic right. To exploit these legitimate public sentiments to advance a separate, unconstitutional agenda is a betrayal of the very people and institutions we are sworn to protect,” pahayag din ng grupo.

Nanawagan ang AGFO sa mga Pilipino na panatilihin ang “sobriety and unity under the constitution,” at iginiit na ang tanging katanggap-tanggap na paraan pasulong ay sa pamamagitan ng legal at demokratikong proseso.

“The only path forward is to demand accountability and fight corruption through the legal and democratic mechanisms our nation provides,” pahayag ng grupo.

Itinatag noong 1998, ang AGFO ay patuloy na nagsasalita sa mga isyung may kaugnayan sa pambansang seguridad, military professionalism at governance. Philippine News Agency