Vargas1

Pagpapalakas ng Masustansiyang Pagkain para sa mga Batang Pilipino Act isinusulong ni Vargas

Mar Rodriguez Oct 27, 2025
382 Views

WALANG rin matututunan ang estudyanteng walang laman ang tiyan”.

Ito ang binigyang diin ni House Deputy Majority Leader at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael “PM” D. Vargas kung kaya’t isinusulong nito sa Kamara de Representantes ang kaniyang panukalang batas na naglalayong mas maging epektibo ang implementasyon ng “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act” o ang Republic Act 11037.

Sinabi ng kongresista na ang pangunahing layunin ng inihain nitong House Bill No. 5681 ay ang matulungan ang mga mahihirap na estudyante na pumapasok umano ng kanilang paaralan na walang laman ang tiyan kung kaya’t papaano nila matutunan ang mga itinuturo sa kanila.

“Yung mga mahihirap na estudyante ay pumapasok sa eskuwelahan na wala pang kain-kain. Hindi puwedeng gutom ang batang nais matuto, kung may laman ang tiyan. Mas handa ang kanilang isipan,” wika ni Vargas.

Ipinaliwanag ni Vargas na batay sa 2022 Program for International Students Assesment (PISA) na 12% ng mga mag-aaral na may edad na 15 ay pumapasok sa kanilang paaralan nang hindi man lamang kumakain.

Dahil dito, ipinahayag ni Vagas na sa ilalim ng HB No. 5681. Aamiyendahan nito ang RA No. 11037 para ipasok ang mga probisyon nito sa central kitchen sa bawat school division na mangangasiwa naman sa paghahanda at distribusyon ng fortified meal para sa mga benepisyaryong estudyante.

Nakapaloob din sa panukala ni Vargas ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) na siyang mangangasiwa sa mga centralized kitchen at local food sourcing.