Calendar
Valeriano sinang-ayunan paalala na huwag ng i-flex sa socmed pagbabaksyon ngayong Undas
SINANG-AYUNAN ng Chairman ng House Committee on Public Order and Safety na si Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano ang paalala ng kapwa nito mambabatas para sa mga mamamayan na huwag ng ibalandra sa kanilang social media post ang plano nilang pagbabakasyon ngayong Undas.
Binigyang diin ni Valeriano na ang pagfe-flex sa social media ng planong pagbabakasyon ay lalo lamang nag-iimbita sa mga kawatan na magsagawa ng mga hindi kanais-nais habang naka-break ang lahat para sa Undas.
Sinabi ng kongresista na sa ganitong paraan o ang pagpe-flex sa social media ay hindi nakakatulong para masugpo ang isang krimen o laganap na nakawan. Bagkos, mistula pa nitong inaanyayahan ang mga kawatan o masasamang loob na samantalahin ang pagkakataon habang bakasyon at naiwang walang tao o nagbabantay ang mga kabahayan.
Ipinaliwanag pa ni Valeriano na habang naghahanda ang bawat pamilya para sa kanilang bakasyon. Naghahanda rin aniya ang mga magnanakaw at masasamang loob kung papaano nilang maisasagawa ang kanilang pagnanakaw.
“Sa pamamagitan ng pagpo-post o pagfe-flex natin sa social media ng ating bakasyon. Parang ginagawa nating easy target ang ating mga sarili, huwag po natin gawin iyan kasi hindi tayo nakakatulong para mareolba ang nakawan kundi tayo pa ang nagiging dahilan. Kaya kung maaari ay maging maingat po tayo,” paalala ni Valeriano.

