Villar

Villar pinamakamayamang senador, nagdeklara ng P1.2B yaman

351 Views

NANANATILING pinakamayamang senador si Mark Villar matapos ideklara ang ₱1.26 bilyong netong yaman, batay sa opisyal na 2024 Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) na isinumite ng 19 sa 24 miyembro ng Senado.

Walang iniulat na utang si Villar, na kilala sa mga negosyo ng kanilang pamilya sa real estate at retail.

Sumunod sa kanya sina Raffy Tulfo na may ₱1.05 bilyon at Erwin Tulfo na may ₱497 milyon. Pumwesto naman sa ikaapat si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na may ₱431.77 milyon, at sa ika-lima si Camille Villar na may ₱362.07 milyon.

Pinakamababa ang yaman nina Risa Hontiveros (₱18.98 milyon) at Francis “Chiz” Escudero (₱18.84 milyon).

Ranggo ng yaman ng mga Senador (2024 Public SALN)

Mark Villar – ₱1.261 B

Raffy Tulfo – ₱1.052 B

Erwin Tulfo – ₱497 M

Juan Miguel Zubiri – ₱431.77 M

Camille Villar – ₱362.07 M

Panfilo Lacson – ₱244.94 M

Robin Padilla – ₱244 M

Jinggoy Estrada – ₱221.21 M

Manuel Lapid – ₱202.04 M

Vicente Sotto III – ₱188.8 M

Joseph Victor Ejercito – ₱137.07 M

Pia Cayetano – ₱128.29 M

Win Gatchalian – ₱89.52 M

Bam Aquino – ₱86.55 M

Loren Legarda – ₱79.21 M

Joel Villanueva – ₱49.595 M

Francis Pangilinan – ₱26.738 M

Risa Hontiveros – ₱18.98 M

Francis Escudero – ₱18.84 M

Sa oras ng paglilimbag, walang naitalang paglalabas ng SALN mula kina Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, Ronald “Bato” Dela Rosa, Bong Go, at Rodante Marcoleta, na nananatiling hindi pa nailalantad sa publiko ang kani-kanilang deklarasyon para sa 2024.

Ayon sa Ombudsman, ibinalik na sa publiko ang karapatang humiling ng kopya ng SALN sa pamamagitan ng simpleng proseso.