Shabu

‘Baby Jesus’ may dalang P.2M shabu, arestado

Alfred Dalizon Oct 30, 2025
298 Views

ISANG drug suspek sa Bicol na may alyas na Baby Jesus ang naaresto sa Libon, Albay noong Miyerkules na may dalang 35 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P238,000, ayon kay Police Regional Office 5 director, Brigadier General Nestor C. Babagay Jr.

Nahuli sa Sitio Paclas, Brgy. Zone 4 sa Libon bandang alas 11:25 ng gabi, ayon sa report .

Nakuha mula sa suspek ang shabu at P1,000 bill.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.