Col. Arwen Kinilala ni PLt. Col. Arwen Nacional ang mga suspek na naaresto sa buy-bust at anti-Criminality Campaign s aSampaloc at Quiapo, Maynila. JONJON C. REYES

Droga, bebot huli shabu, sugal

Jon-jon Reyes Oct 31, 2025
294 Views

TIMBOG sa mga operatiba ng Manila Police District-Barbosa police station 14 ang 56-anyos na babae dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga sa Quezon Blvd., Brgy. 394, Quiapo, Manila noong Biyernes.

Nakilala ang suspek na si alyas “Marissa” 56 anyos single, kasalukuyang naninirahan sa Oscariz Street, Barangay 384, Quiapo..

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen National, commander ng MPD Barbosa Police Station 14, nahuli ang suspek sa pamumuno ni P/Lt. Cleveland Mananghaya.

Isang PCpl Allan Apostol, ang poseur buyer, ang nakabili ng isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na may shabu.

Samantala, tiklo din ang 32-anyos na kelot dahil may may hawak na baril sa Lacson St., Brgy. 460, Sampaloc, Manila.

Nakilala ang suspek na si alyas Micheal na binata at miyembro ng Sputnik Gang.

Ayon kay kay PLt. Col. Nacional, nahuli si Micheal dahil sa sumbong sa telepono mula sa isang concerned citizen tungkol sa lalaki na may hawak umano ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Narekober sa suspek ang isang 1 improvised firearm na kargado ng isang bala ng cal .38 na baril.