Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
2,395 katao sa GenTri inilikas
Dennis Abrina
Nov 10, 2025
543
Views
INILIKAS ang mga naninirahan sa mga tabing-ilog sa General Trias City noong Linggo bago pumasok ang bagyong Uwan.
Inilagay sa 27 evacuation centers ang 652 pamilya na nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office sa pangangasiwa ni Bengky Generoso.
Ipinag-utos ni Mayor Luis ‘Jon Jon’ Ferrer IV na dalhin sa mga pinakamalapit na evacuation centers ang mga evacuees para sa kanilang kaligtasan.
Tinitiyak din ng local chief executive na ligtas ang ito at may pagkain na pinapangasiwaan ng mga barangay captains.
Ayon kay Bacao 1 Village Chair Erwin Pernala, ang mga naninirahan sa tabing pangpang ay nakatakda ng lumipat sa kanilang relocation site sa Brgy. Santiago.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

