Barbers

BARBERS: PBBM  WINAKASAN NA FALL GUY SALAYSAY

176 Views

MALINAW ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang ebidensiya na nag-uugnay kay dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa anumang kontrobersiya sa flood control at ang deklarasyong ito’y “finally ended all attempts to make him a political fall guy,” ani dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers nitong Biyernes.

Sinabi ni Barbers, ang chief political officer ni Romualdez at overall chairman ng House quad committee noong nakaraang ika-19 na Kongreso, na ang paglilinaw ng Pangulo “pulverized the false narratives” na itinulak nitong mga nakaraang linggo.

“With the President himself saying there is no evidence against former Speaker Romualdez, all scapegoating efforts collapse on their own. Tapos na ang fall guy narrative.

Pero siyempre hindi titigil ang mga iyan na ipasok si Speaker sa kanilang narrative na blame him,” ani Barbers, dating House committee on dangerous drugs chairperson.

“Ngayon magsisimula ang tunay na trabaho… dahil malinaw ang sinabi ng Pangulo… katotohanan at pananagutan ang dapat manaig,” giit ni Barbers.

“Ebidensiya ang basehan―hindi ang paratang o haka-haka ng sinuman. Ang anumang alegasyon ay dapat patunayan sa pamamagitan ng malinaw at mapagkakatiwalaang ebidensiya, hindi sa hearsay o kasinungalingan,” aniya.

Binigyang-diin niya na dapat nang ituon ang imbestigasyon sa “those truly involved in the anomalies―the ones backed by receipts, documents, and verifiable records.”

Tinanggap ni Barbers ang pahayag ng Pangulo bilang reset button na nag-aalis ng political fog sa kasalukuyang pagsusuri ng flood control spending.

Sa pag-clear kay Romualdez, sinabi ni Barbers na ang mga imbestigador ay maaari nang mag “zero in on the real paper trail”―mula sa listahan ng proyekto at budget insertions hanggang sa pag-isyu ng kontrata at engineering validations.

“By stating there is no evidence tying Romualdez to any wrongdoing, wala nang smokescreen. Wala nang pambaling sa usapan. Sundan na lang ang dokumento at ang tunay na trail ng pondo,” ani Barbers.

Binigyang-diin niya na pinipigil nitong mailihis ang imbestigasyon o “hijacked by political agendas” na layong ipitin ang mga personalidad na walang kaugnayan sa transaksyong iniimbestigahan.

Sinabi ng dating mambabatas na pinagtitibay ng pahayag ng Pangulo ang pangunahing prinsipyo ng pamamahala: walang kaso kung walang ebidensiya.

“The President reaffirmed that accountability must be anchored on facts, not on noise or speculation,” ani Barbers. “Ito ang tamang direksyon―evidence-based policymaking, evidence-based investigations.”

Dagdag pa niya, ang paglilinaw ay nagbabalik ng integridad sa proseso at tinitiyak na ang parehong sangay ng pamahalaan ay mananatiling nakabatay sa katotohanan, hindi sa kasinungalingan.

Dahil “dead on arrival” na ang fall guy narrative, sinabi ni Barbers na dapat nang ituon ang susunod na hakbang sa pagsagot sa mga pangunahing tanong kaugnay ng flood control planning, anomalous insertions, at mga teknikal na desisyon na nakaapekto sa resulta ng proyekto.

“Ngayon magsisimula ang tunay na trabaho,” saad ni Barbers. “Dahil malinaw ang sinabi ng Pangulo, wala nang lugar para sa paratang na walang basehan. Katotohanan at pananagutan ang dapat manaig.”

Ang tanging alegasyon laban kay Romualdez ay nagmula sa kuwestiyonableng testimonya ni Orly Guteza, na bumagsak ang kredibilidad matapos matuklasan ng isang korte sa Maynila na peke ang lagda ng abogado na dapat sana’y nag-notaryo ng kanyang affidavit.

Nabigo rin si Guteza na bumalik sa Department of Justice (DOJ) upang kumpirmahin ang kanyang mga pahayag, kahit na inatasan siyang gawin ito―isang pagtangging lalo pang nagpahina sa kanyang testimonya.

Matapos ang kanyang pagdalo sa Senado, naglaho si Guteza at hindi na humarap sa tamang investigative bodies, at iniwan ang isang affidavit na napatunayang peke at falsified.

Dahil walang sumusuportang dokumento, walang saksi, at ang nag-iisang source ay nagtatago, ang paratang ay nakasalalay sa isang kuwento na hindi pumapasa kahit sa pinaka-basic na pamantayan ng ebidensiya.