Adiong Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong

Adiong binira pahayag ni Zaldy Co

343 Views

PINAWALANG-BAHALA ni House Young Guns leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong nitong Lunes ang mga pahayag ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na umano’y tinakot siya ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at sinabing ang alegasyon ay tila mas hango sa sobrang panonood ng Netflix kaysa sa katotohanan.

“Perhaps Zaldy Co has been watching too many Netflix movies while he’s hiding abroad. I mean it’s been quite a long time that he’s not been here. It’s clearly preposterous to hear that kind of story,” ani Adiong, chairman ng House committee on suffrage and electoral reforms, sa isang press conference.

Binigyang-diin ni Adiong na taliwas ang ganitong naratibo sa pagkatao ni Romualdez.

“There’s not an inch of violence in his (Romualdez’s) system. That’s why we elected him twice as Speaker,” dagdag niya.

Binanggit ni Adiong ang matinding tiwala na nakuha ni Romualdez noong 2022 at muli noong 2025.

Samantala, nanawagan si House Deputy Speaker Ferdinand Hernandez ng South Cotabato, na kaalyado ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, kay Co na bumalik sa bansa at ihain nang pormal ang kanyang mga paratang.

Binigyang-diin ni Hernandez na hindi maaaring umusad ang isang kredibleng imbestigasyon batay lamang sa “installment” na alegasyon na inilalabas sa media.

“Any judicial or quasi-judicial body cannot start its investigation by mere videos. Just like us or our colleagues, we submitted ourselves to the jurisdiction of the Independent Commission for Infrastructure, as per instructions of our Speaker,” ani Hernandez.

Sinabi naman ni Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan ng Ilocos Sur na nakapanghihina ng loob para sa mga mambabatas na mailarawan bilang kontrabida, ngunit iginiit niyang mas pipiliin nilang magpokus sa kanilang lehislatibong tungkulin kaysa masangkot sa walang katapusang politikal na bangayan.

“We just focus on our mandate, which is passing very important legislation,” aniya.