Calendar
House Majority Leader sa mga pahayag ng kanyang Tita Imee: Walang basehan, walang katotohanan, walang magandang idudulot sa bayan
BINASAG ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ng Ilocos Norte ang kanyang pananahimik noong Martes at naglabas ng isang matatalim na pahayag laban kay Senadora Imee Marcos dahil sa kanyang inilalarawang pinagtagpi-tagping kasinungalingan na naglalayong pabagsakin ang administrasyon at isulong ang “kanya mismong ambisyong politikal.” “HINDI ITO ASAL NG ISANG TUNAY NA KAPATID,” diin ng nakababatang Marcos sa kanyang pahayag.
“Sa lahat po ng binanggit ni senadora, walang basehan, walang katotohanan, at walang magandang idudulot sa bayan,” sabi ng House Majority Leader.
“Itinutulak akong masaktan sa nakikita kong pagkalugmok niya, na umaabot na siya sa puntong gumagamit ng kasinungalingang pinagtagpi-tagpi upang subukang pab destabilize ang pamahalaang ito para lamang isulong ang kanyang ambisyong politikal,” aniya.
Kinondena rin niya ang pag-uulit ng senadora ng mga paratang laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Unang Ginang, at—“sa unang pagkakataon”—laban mismo sa kanya, na tinawag niyang “hindi lamang mali kundi lubhang iresponsable.”
Sinabi ng pinuno ng Kamara mula Ilocos Norte na matagal na niyang iginagalang ang kanyang tiya, at kinikilala ang papel na ginampanan nito noong unang bahagi ng kanyang pagpasok sa serbisyo publiko, kaya’t pinili niyang tugunan ang isyu nang publiko “sa una at huling pagkakataon.”
“Ako po ay laging kumilala at gumalang sa papel na ginampanan ng aking Tita, Senadora Imee Marcos, noong simula ng aking buhay publiko. Nananatili ang paggalang na iyon kaya’t ito ang una’t huling pagkakataon na magsasalita ako tungkol dito,” aniya.
Ngunit ang paggalang na iyon, dagdag niya, ay sinuklian ng mga paratang na lumalampas na sa hangganan.
Sinabi ni Marcos na maaaring patunayan ng kanyang mga pinsan—sina Borgy, Ilocos Norte Vice Gov. Matthew Marcos Manotoc, at Atty. Michael Marcos Keon—na ang mga ibinibintang sa kanya ay “hindi totoo.”
Ipinahayag din niya ang pagkadismaya sa kung ano ang inilalarawan niyang masakit na pagtataksil sa loob ng pamilya, at sinabing nagkasundo silang lahat na huwag hayaang hilahin ang susunod na henerasyon sa alitan na nag-ugat sa kanilang mga magulang.
“We always agreed that whatever happened between our parents, we wouldn’t let ourselves be dragged in. That is why nakakalungkot makita na ginagawa niya ito. For her to betray her own family brings a lot of pain to me as a consequence of my respect to her for giving me my start in public life,” wika ni Sandro Marcos.
Hinimok ng House Majority Leader ang publiko na manatiling nakatuon sa mga katotohanan at huwag magpaloko sa mga kuwentong naglalayong siraan ang administrasyon.
“Now is the time to unite behind truth, not to amplify narratives meant to topple the government. Panahon ngayon para magtulungan, hindi para magpalaganap ng gulo at destabilisasyon,” aniya.

