Guo

Hatol na habambuhay na kulong kay Alice Guo itinuring na malaking tagumpay para sa PH

387 Views

TINAWAG ng mga senador na sina Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian ang pagkakakulong ni Alice Guo, kilala rin bilang Guo Hua Ping, bilang isang malaking tagumpay laban sa mga transnasyonal na krimen na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon kay Hontiveros, na pinangunahan ang malawakang imbestigasyon sa Senado: “Today, justice has been served. The conviction of Alice Guo is a victory against corruption, human trafficking, cybercrime, and many other transnational crimes.”

Nahaharap si Guo sa habambuhay na pagkakabilanggo matapos mapatunayang nagkasala sa kasong qualified trafficking at cybercrime. Lumabas sa imbestigasyon na ginamit umano ni Guo ang kanyang pwesto sa lokal na pamahalaan sa Bamban, Tarlac upang patakbuhin ang isang malaking POGO hub na sangkot sa human trafficking, pagpuslit ng surveillance equipment, at pagkakaroon ng ugnayan sa dayuhang intelligence operations.

Samantala, kinilala rin ni Senador Sherwin Gatchalian ang desisyon ng korte bilang panalo para sa sambayanang Pilipino. “The rule of law has prevailed, and justice has been served. Her conviction should serve as a wake-up call against Filipinos or foreign nationals alike who seek to take advantage of the bureaucracy to carry out atrocities such as human trafficking and online scams,” aniya.

Dagdag pa ni Gatchalian: “Umaasa tayo na ang tagumpay na ito ay lalo pang magpapatibay sa ating batas laban sa POGO at magpapalakas sa kampanya ng ating law enforcement agencies para tuluyang papanagutin ang mga natitirang POGO at iba pang uri ng online scam sa bansa.”

Binigyang-diin ni Hontiveros na ang imbestigasyon ng Senado ay nakatulong sa pagpasa ng Anti-POGO Law of 2025 at paglalabas ng Executive Order No. 59 na nagbabawal sa panibagong lisensya ng POGO sa bansa. “This Senate investigation delivered unprecedented results,” aniya.

Ngunit sa kabila ng hatol, iginiit ng dalawang senador na malayo pa ang laban. “We will continue to demand accountability from every government agency that failed in their duties,” giit ni Hontiveros. “The Philippines is not a playground for exploitation, infiltration, and espionage. Accountability is coming. Justice always finds a way.”