Laurel

DA sec: Integration ng mga strategies sa hydropower, agri kailangan

Cory Martinez Nov 20, 2025
250 Views

KAILANGANG magkaroon ng integration ang mga estratehiya sa hydropower at agrikultura upang mapagana ang mga makinarya na ginagamit sa sektor, ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr.

Sa kanyang talumpati sa 3rd Philippine Hydro Summit & Exhibition sa Maynila, sinabi ng kalihim na makakatulong ang mga water-based energy project sa food security, rural development at long-term renewable energy goals ng bansa.

Ayon sa kanya, hindi makakamit ng bansa ang mga layunin nito hinggil sa clean energy kung walang pagpapaigting ng hydropower development mula sa run-of-river systems hanggang sa pumped-storage facilities at micro-hydro installations.

“Energy and agriculture are deeply interconnected,” sabi ng kalihim.

Paliwanag ng kalihim, makakatulong ang hydropower sa isang “clean-energy countryside” kung saan sabay na tataas ang electrification at agricultural productivity.

Kabilang sa mga synergies na maaaring ipatupad ay ang co-locating hydropower na may irrigation systems; powering rural microgrids; pagpapalakas ng agri-value chains sa pamamagitan ng reliable electricity para sa storage at processing; at pagpapaganda ng watershed protection, na kritikal pareho sa farm yields at long-term hydropower viability.

Turning rivers and reservoirs into “sources of both power and prosperity, can help reduce postharvest losses and raise rural incomes,” ani Tiu Laurel.

Tanggap ng kalihim ang mga hamon na kinakaharap ng mga developer ng hydropower kabilang na ang long permitting timelines, financing barriers, environmental safeguards, at overlapping mandate sa water, land, at energy agencies.

Upang maisulong ang integration, nagpanukala ang DA ng limang aksyon tulad ng mapping irrigation at water assets na angkop sa hydropower.

Ito ang pagsuporta sa agro-industrial zones powered ng renewable energy; paniniguro sa partisipasyon ng mga magsasaka at fair benefit-sharing sa mga hydropower project; pagsasaayos ng infrastructure coordination sa pagitan ng agriculture at energy agencies; at adbokasiya para nagkakaisang national policy aligning food, water at energy security.