Summit

Mga rekomendasyon vs sa hamon ng pagbaha tinalakay sa QC Flood Summit 2025

Cory Martinez Nov 23, 2025
297 Views

INIREKOMENDA ng mga eksperto mula sa siyensya, engineering, urban planning, social welfare, at disaster resilience sectors na dapat ilinya ng mga ahensiya ang kanilang protocol hinggil sa desisyon sa pagkansela ng mga klase sa panahon ng kalamidad.

Sa ginanap na Quezon City Flood Summit 2025 noong nakaraang linggo, iminungkahi din ng mga naturang eksperto na kailangang paghusayan pa ng mga ahensiya ang kanilang mga communication channel at gawing institusyonal ang kanilang forecast-based action upang mapaigting ang kahandaan sa local level.

Layunin ng summit na may temang “Rising Above Floods: Building Resilient Cities,” na hanapan ng solusyon ang mga hamon ng lungsod sa mga pagbaha sa pamamagitan ng science-driven forecasting, accountable infrastructure systems, at future-ready urban design.

Ibinigay ang mga naturang rekomendasyon matapos ipunto ng mga kalahok sa summit ang mga puwang sa pagitan ng national hazard forecasts at local decision-making timelines.

Ayon pa sa mga kalahok, palagiang nangangailangan ng action hour ang pagdesisyon sa pagkansela ng mga klase, work advisory at pre-disaster mobilization bago pa umigting ang kalamidad na kung saan ang forecast ay palagiang magkakaiba ng lebel ng walang kasiguraduhan.

Sa kanyang welcome remark, binigyang-halaga ni Mayor Joy Belmonte ang iba’t-ibang programa ng pamahalaang lungsod sa paglutas sa mga baha, kahandaan ng mga komunidad sa mga kalamidad at pagtatayo ng matatag na lungsod.

“Resilience has been thrown around casually in conversations on flooding and disasters, and too often used by those in power as an excuse to avoid accountability. But counting on our people’s resilience is no longer an option.

Napapagod na ring maging matatag at matiisin ang ating mga kababayan. They deserve long-term solutions. We must therefore intensify our efforts and strengthen our systems so they can better support our communities in the years ahead,” ani Belmonte.

Tinalakay din sa summit ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng early warning systems, na nananatiling isa sa mga mas kritikal na prayoridad para sa flood-prone urban areas.

Pinunto rin ng mga kalahok ang pangangailan sa accessible tools, user-friendly hazard maps, at capacity-building programs.

Bukod pa sa forecasting, tinalakay din ang kahalagahan ng pagpapalakas ng accountability sa infrastructure development.

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang mga panelist sa summit sa mga nabigong

flood control projects at nanawagan ng paglipat mula sa fragmented, contractor-driven interventions patungong basin-wide planning informed sa pamamagitan ng hydrology at environmental science.

Inirekomenda din ang engineering innovations na holistic at nature-based solutions upang makapagtatag ng mga sustainable, long-term flood mitigation strategy.

Nagbigay din ng mga pananaw ang mga kinatawan mula sa PAGASA, Philippine Space Agency, UP Resilience Institute at UP Institute of Environmental Science & Meteorology, Department of Social Welfare and Development-NCR, Philippine Disaster Resilience Foundation, Department of Interior and Local Government, Philippine Institute of Civil Engineers, United Architects of the Philippines, Palafox Associates, ang Embassy of the Kingdom of the Netherlands, San Miguel Corporation, at ang Center for Disaster Preparedness hinggil sa pagtatayo ng isang lungsod na mas ligtas, responsive at mas matatag sa matinding weather events.

Samantala, pinunto naman ni City Engineer Atty. Mark Dale Perral ang natuklasan ng pamahalaang lungsod hinggil sa mga nabigong flood control projects.

“When the flood control projects came out, 99% of the projects ay puro ‘wall’ or creek wall. Pina-pader ‘yung mga creeks and rivers. Ang tanong, may increase ba sa detention capacity ng river? ‘Di ba wala, parang nabawasan pa nga,” diin ni Perral.

Hinikayat naman ng mga arkitekto at urban planner ang pamahalaang lungsod na ipagsama ang people-centered design at inclusive development sa kanilang mga susunod na proyekto na tinitiyak na ang katatagan ay hindi lamang sa flood mitigation kundi pati na rin sa mas malawak na livability at sustainability goals.

“Through this summit, we strengthen our commitment, not only to scientific, nature-based, and resilient solutions to flooding—but to the broader mission of transforming our society into one where nobody gets left behind,” dagdag naman ni Belmonte.