Calendar
Bagyong Verbena nag-landfall sa Surigao del Sur; signal no. 1 itinaas sa 27 lugar
NASA signal no. 1 ang 27 lugar sa Luzon at Visayas matapos mag-landfall ang bagyong Verbena sa Surigao del Sur noong Lunes ng hapon.
Sa ulat ng PAGASA, ala-1:30 ng hapon, nag-landfall si Verbena sa Bayabas, Surigao del Sur.
May lakas ng hanging aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 km/h ang bagyo at kumikilos pakanluran sa bilis na 25 km/h.
Nasa ilalim ng signal no. 1 ang hilagang bahagi ng Palawan (Araceli, Taytay, El Nido, Dumaran, Roxas, San Vicente), kasama ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands; mainland Masbate (Balud, Mandaon, Milagros, Cawayan, Placer, Pio V. Corpuz, Esperanza, Uson, City of Masbate, Mobo, Palanas, Aroroy, Cataingan, Baleno sa Luzon
Sa Visayas itinaas rin ang signal no. 1 sa Antique Aklan; Capiz; Iloilo; Guimaras; Negros Occidental; Negros Oriental; Siquijor; Cebu; Bohol; Samar; Eastern Samar; Biliran; Leyte; Southern Leyte; Mindanao; Dinagat Islands; Surigao del Norte; Surigao del Sur; Agusan del Norte; Agusan del Sur; Camiguin, at Misamis Oriental at hilagang bahagi ng Bukidnon (Baungon, Libona, Manolo Fortich, Sumilao, Impasug-ong, Lungsod ng Malaybalay, Malitbog, Cabanglasan).
Nagbabala ang PAGASA na ang mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 1 ay maaaring makaranas ng kaunti hanggang maliliit na epekto mula sa malakas na hangin.
“It must be emphasized that heavy rainfall, severe winds and storm surge may still be experienced in localities outside the landfall point and outside the forecast confidence cone,” ayon sa PAGASA.
Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes.

