Mayon

Lahar flow mula Bulkang Mayon, Kanlaon posible dahil sa bagyong Verbana – Phivolcs

417 Views

NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na posibleng dumaloy ang lahar sa mga lugar na sakop ng mga Bulkang Mayon at Kanlaon bunsod ng inaasahang mabigat na pag-ulan dala ng Tropical Cyclone (TC) “Verbana.”

Batay sa inilabas na “lahar advisory” ng Phivolcs nitong Lunes, (Nobyembre 24), posibleng magkaroon ng sediment flows o pagdaloy ng lahar sa mga ilog at drainage areas malapit sa Kanlaon dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan sa ilang parte ng Central Luzon at Negros Island dahil sa bagyo sa mga susunod na araw.

Inaasahang maapektuhan ng pagdaloy ng lahar ang mga komunidad sa Bago City, La Carlota City, La Castellana, Moises Padilla at San Carlos City, Negros Occidental at Canlaon City, Negros Oriental, na malapit sa mga ilog ng Ibid, Cotcot, Talaptapan, Malaiba, Panubigan, Buhangin – Indurayan, Najalin, Inyawan, Maragandang o Panun-an creek, Intiguiwan, Camansi, Maao, Tokon-tokon, Masulog, Binalbagan,Taco at- Linothangan.

Sa Bicol Region kung saan inaasahan din ang pagdaan ni Verbana, posibleng dumaloy rin ang mga nakaimbak na lahar sa mga ilog at drainage areas malapit sa bulkang Mayon.

Ayon sa Phivolcs, ang mabigat na pag-ulan bunsod ng bagyong Verbana ay maaaring magdulot ng “life-threatening post-eruption” dahil sa posibleng paglala ng matinding erosyon ng loose material deposits mula sa mga naging pagputok ng Mayon noong 2018 at 2023.

Babala pa rin ng Phivolcs, ang mga lahar sa Mayon ay kadalasang malakas at may kakayahang magbaon ng mga kabahayan dahil sa mabibigat nitong bato.

“The bulk of erodible deposits occupy the watershed areas of the Miisi, Binaan, Mabinit, Buyuan, Anoling, Matanag, Bonga and Basud Channels, such that communities along and downstream of these channels could be severely threatened by post-eruption lahars,” ayon sa ahensiya..

“In addition, older and erodible pyroclastic deposits on the southwestern slopes, which have been continuously eroded and brought down by intense rains through the Masarawag and Maninila Channels and even creeks within their immediate vicinities, could once again feed non-eruption lahars that could severely threaten communities in the Municipality of Guinobatan,” dagdag pa ng Phivolcs.