Taiwanese

BI agents hinuli Taiwanese na pugante

Jun I Legaspi Nov 25, 2025
361 Views

NAARESTO ng mga agents ng Bureau of Immigration (BI) si Chin Hao, 54, isang Taiwanese, habang naglalayag mula Kaohsiung, Taiwan patungong Pilipinas noong Nobyembre 22.

Subject ng Interpol alert si Chin dahil sa pagiging pugante. Nahuli siya habang sakay ng MV Star Navigator nang pumasok ang barko sa teritoryo ng Pilipinas.

Itinurn-over siya ng mga boarding officers sa BI Fugitive Search Unit (FSU) pagdating sa Port of Currimao, Ilocos Norte para iproseso ang kanyang deportasyon.

“Ang operasyong ito ay patunay ng aming matatag na pangako na siguruhin ang kaligtasan ng ating mga hangganan at ipatupad ang direktiba ng Pangulo.

Nanatiling mapagmatyag ang ating mga opisyal upang matiyak na ang Pilipinas ay hindi magiging kanlungan ng mga pugante,” sabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.