Batangas

Help Desk training sa Batangas City, itinatag

214 Views

NAGTATAG ang Office of the City Social Welfare and Development Office (OCSWDO) ng Migrant Assistance Information Network (MAIN) Help Desk sa Batangas City noong November 20–22.

Layunin ng naturang helpdesk na magsilbing tulay sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya.

Magsisilbi din itong one-stop shop na tutugon sa iba’t-ibang pangangailangan ng mga OFW, kabilang ang mga katanungan ukol sa legal assistance, reintegration programs at iba pang serbisyong may kinalaman sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Bahagi rin ng programa ang pagpapalakas ng mga Helpdesk sa bawat lokal na komunidad; pagtutugma sa mga programa at serbisyo ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Atikha Overseas Workers and Communities Initiative, Inc.

Sa pamamagitan ng capacity-building program na ito, naglatag ang OCSWDO ng pundasyon para sa paglikha ng isang OFW Federation na magiging kinatawan ng Batangas City sa provincial at sa national level tungo sa pagkakaroon ng organisadong sistema ng suporta para sa mga OFW at kanilang pamilya.

Dumalo sa pagsasanay ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.