Lucas

Kampanya vs kriminalidad ng PRO-4A tagumpay

403 Views

KAMPO PBGEN VICENTE LIM, Lungsod ng Calamba–Tagumpay daw ang aksyon ng mga alagad ng Police Regional Office-4A laban sa kriminalidad, droga at ilegal na sugal dahil sa pagkakadakip sa maraming kriminal.

Mula Nobyembre 17-23, umabot sa 215 operasyon laban sa droga ang isinagawa na nagresulta sa pag-aresto sa 207 indibidwal na sangkot sa ilegal na aktibidad.

Nasabat ng mga awtoridad ang 635.78 gramo ng shabu, 49.74 gramo ng marijuana na may value na P4,329,272.80.

Sa kampanya laban sa mga loose na baril, 4,807 operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pag-aresto sa 21 suspek sa krimen.

Nakumpiska ng mga yunit ng pulisya ang 34 baril, habang 3 baril ang kusang isinuko.

Nakumpiska ng mga pulis ang P127,539 na pusta sa sugal, ayon sa report.

Patuloy rin na ipinatupad ng mga tauhan ng PRO-4A ang mga ordinansa na nagresulta sa pagkaaresto ng 3,471 indibidwal na pinagmulta at P14,278.

Ang mga pagsisikap na ito ay bahagi ng programa ng preventive policing ng rehiyon na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa antas ng komunidad.

Pinuri ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas, hepe ng PRO-4A, ang dedikasyon ng lahat ng operating units ng pulisya.