Rider

Rider dedo sa truck

386 Views

NASAWI ang rider nang mabangga ang nakaparadang sasakyan sa C6 bypass road sa Brgy. Ampid 1, San Mateo, Rizal noong Linggo.

Kinilala ang namatay na si alyas Ren at inaresto ng mga tanod ang driver ng nakaparadang sasakyan na si alyas Roland.

Nakaparada sa gilid ng kalsada ang Isuzu truck (MAL 5004) dahil nagpapalit ng gulong ang driver ng aksidenteng mabangga sa likuran ng Honda motorcycle na minamaneho ng biktima.

Sa lakas ng impak, nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo ang rider at nasawi sa Rosario Maclang Bautista General Hospital sa Brgy. Batasan, Quezon City.