Bataan

Maagang pamasko ibinigay sa mga taga-Bataan

Christian Supnad Nov 27, 2025
410 Views

BATAAN–Namigay ng maagang pamasko sa mga Bataeños si Gov. Joet Garcia.

“Patuloy po ang paghahatid ng Pamaskong handog sa iba’t-ibang bahagi ng ating lalawigan upang mas marami pa pong pamilyang Bataeño ang mahandugan ng food packs,” sabi ng gobernador.

Ayon kay Gov. Garcia, natanggap na ng mga taga-Hermosa, Limay, Morong, Abucay at Dinalupihan ang kanilang mga food packs.

“Sa mga susunod na araw ay sisiguruhin po naming mararating ang lahat ng natitira pang mga bayan at barangay.

“Habang papalapit ang Pasko, sinisikap po nating maihatid ang munting biyayang ito sa lahat ng barangay at bayan upang masigurong bawat tahanan ay may dagdag na saya ngayong Kapaskuhan,” sabi ng gobernador.

Nagpasalamat din ang gobernador sa mga taong tumutulong upang maging maayos at mabilis ang distribusyon sa bawat lugar.

Nauna nito, namigay na rin ang Brgy. Alas asin ng mga grocery items sa mga tao doon.