Calendar
P67B inilaan sa Senate-approved 2026 budget para sa libreng tuition, tulong sa mga mag-aaral
KINUMPIRMA ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Huwebes na ₱67 bilyon ang nailaan sa Senate-approved 2026 national budget para sa libreng tuition at iba pang tulong sa milyon-milyong estudyante sa kolehiyo.
Ayon kay Gatchalian, na namumuno sa Senate Committee on Finance, ₱6.6 bilyon ang inilaan para sa halos 500,000 bagong benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES), kung saan prayoridad ang mga kabataang mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang mga estudyante sa pampublikong kolehiyo ay makakatanggap ng ₱20,000 bawat taon, habang ang mga nasa pribadong paaralan na walang malapit na SUC o LUC ay makakatanggap ng ₱27,000 taun-taon.
“Sa pamamagitan ng pondong inilaan natin para sa mga bagong benepisyaryo ng TES, matitiyak natin na bawat pamilyang bahagi ng 4Ps ay magkakaroon ng college graduate,” ani Gatchalian.
Bukod sa libreng tuition, inaprubahan din ng Senado ang ₱27.3 bilyon para sa TES at ₱2.7 bilyon para sa Tulong Dunong Program (TDP), na sumasaklaw sa libro, pamasahe, at iba pang gastusin ng mag-aaral. Mahigit 1.5 milyong estudyante sa public at private colleges ang inaasahang makikinabang.

