LPA

LPA mataas tsansa na maging bagyo sa loob ng 24 oras, tatawaging Wilma

730 Views

MATAAS ang tyansang maging bagyo at tatawaging “Wilma” sa loob ng 24 oras ang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng southeastern Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services, Administration (PAGASA)

Matatagpuan ang LPA sa layong 1,290 kilometro sa silangan ng eastern Visayas dakong alas-2:00 ng madaling araw at posibleng pumasok ng PAR sa Miyerkules at tatawaging bagyong “Wilma.”

Itinaas na sa “medium” chance na papasok ito sa PAR noon pang Lunes ng gabi, dagdag ng PAGASA.

Kapag lumakas, inaasahan itong tatawid sa CARAGA, Visayas at southern Luzon bago tumungo sa Mindoro-Palawan area sa ikalawang linggo ng Disyembre at tuluyang lumabas ng PAR.

Samantala, nananatiling halos hindi gumagalaw ang Tropical Storm Koto (dating Verbena) sa layong 470 kms sa hilaga-kanluran ng Pag-asa Island, taglay ang lakas-hangin na 45 km/h at bugso na 55 km/h.