PNP PNP-JUDICIARY COLLAB. Nakipag-collab ang Nueva Ecija PNP sa pangunguna ni PD Col. Heryl “Daguit” Bruno sa hudikatura kabilang ang mga huwes at taga-usig kabilang ang IBP-NE chapter na ginanap sa NEPPO war room nitong Martes. LITRATO NI: STEVE A. GOSUICO.

Koordinasyon ng Ecija police, hudikatura palalakasin

Steve A. Gosuico Dec 3, 2025
188 Views

CABANATUAN CITY – Nanguna si Nueva Ecija top cop Col. Heryl “Daguit” L. Bruno sa isang collaboration-meeting sa mga miyembro ng hudikatura na binubuo ng mga hukom at prosecutor, kabilang ang presidente ng Integrated Bar of the Philippines-Nueva Ecija chapter sa NEPPO war room nitong Martes.

Nakipag-face-to-face si Bruno kay Executive Judges Virgin Rose Sharon P. Guillermo-Encomienda (regional trial court of Guimba), Emelita D.C. Miranda-Portillo (RTC-Palayan City), Anarica C. Reyes (RTC-Guimba), Quijano S. Laure (RTC-Gapan City), city prosecutor Atty. Rodrigo F. Aquino Jr., at IBP-NE chapter president Atty. Maria Carmela C. Wenceslao-Mendoza.

Sinabi ni Bruno na tumawag siya ng pagpupulong upang mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya, gawing mas maayos ang koordinasyon ng mga kaso, at matugunan ang mga hamong nakakaapekto sa hustisya at sa proseso ng pagpapalabas ng arrest warrant.

Bilang tugon, sinabi ng mga hukom at taga-usig na uunahin nila ang napapanahong paghahain ng kaso at wastong paghawak ng ebidensiya kabilang ang pagkakaroon ng matibay na sistema ng komunikasyon sa kapulisan, kung saan kinatigan ito ng IBP-NE bilang pagpapakita ng suporta at pakikipagtulungan.