Suspek Kinilala ni NIR chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay ang mga suspek sa panghahalay na nasakote ng Negros Island Region police. JONJON C. REYES

2 suspek sa panghahalay dinampot sa Negros Or., Leyte

Jon-jon Reyes Dec 4, 2025
360 Views

DALAWANG suspek sa panghahalay ang naghihimas na ngayon ng malamig na rehas nang matiklo sa Negros Oriental at Tabango, Leyte noong Miyerkules.

Nakilala ang unang naarestong suspek na si alyas “Jeffey” 22 na may kasong Lascivious Conduct isang J&T Rider at residente ng Sitio Fuente Brgy Sta Cruz Viejo Tanjay City Negros Oriental,.

Ayon kay Negros Island Region director Police Brig. General Arnold Thomas Ibay, nahuli bandang ala-1:45 ng hapon ang unang suspek na si alyas Jeffey, 22, na may kasong lascivious conduct.

Dinampot siya ng mga tauhan ng Tanjay police sa pangunguna ni P/Lt. Dominador Macay at PSMS Magno Catacutan Jr.

Inaresto rin ng mga operatiba ng Calubian police ang 52-anyos na lalaki dahil sa kasong panggagahasa sa Sitio Lawis, Brgy. Tabing, Tabango, Leyte

Nakilala ang suspek na si alyas Renan.

Base sa report, inaresto si layas Renan sa bisa ng warrant of arrest galing kay Judge Amy Alabado Avellano, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 58, San Carlos City, Negros Occidental.

Pinuri ni PBGen. Ibay ang mga pulis dahil sa paghuli sa mga suspek.