Calendar
Nakapila ang mga padre de pamilya sa labas ng Dr. Jose Lapuz Salonga gymnasium samantalang sa loob ng gym bitbit ng isang ina ang bag ng bigas habang nakapila ang kasama niyang may kargang bata.
Umali rice ipinamudmod sa San Antonio
SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Nasa lalawigang ito na ang Alagang Umali rice bags na tiyak na mararating ang 16 na barangay ng bayang ito.
Naging sistematiko, mabilis at walang hassle ang pamamahagi ng isang kabang bigas sa bawat pamilya dahil sa blue ID card na patunay na lehitimo silang residente ng bayan.
“Matagal ko nang inaabangan itong libreng bigas nila Gov. Oyie at malaki ang pasasalamat ko at naibigay din ngayon bago ang Kapaskuhan,” sabi ni Loreta, 57.
Pinangunahan ni Mayor Dr. Angelita Salonga-Esquivel, Vice Mayor Arvin Salonga kasama ang mga konsehales ang pamamahagi ng libreng isang sakong bigas para sa Bgys. Lawang Kupang, Maugat at Papaya sa Dr. Jose Lapuz Salonga gymnasium.
Ang libreng pabigas na ito mula sa Kapitolyo ng Nueva Ecija ay bahagi ng programa na sinimulan pa ni Gov. Aurelio Umali noong 2019 matapos buuhin ang Provincial Food Council.
“Ipinagpapasalamat natin ang biyayang ito kaya ibigay natin ang pinakamalakas na palakpak sa ating pintakasi San Antonio Abad at malapit na ang kanyang kapistahan sa Enero,” sabi ni Vice Mayor Salonga.

