Calendar
Pagpasa ng Anti-Political Dynasty Bill magandang pamasko para sa mga Pinoy -Oducado
ππππ‘πππππ§ ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado sa mga kasamahan nito sa Kamara de Representantes na isang napakagandang “regalo” ngayong Pasko ang pagpasa at pagsasa-batas ng “Anti-Political Dynasty Bill”.
Binigyang diin ng neophyte Party List solon na ang tinatawag na “dynastic politics” ang isa sa mga dahilan kung bakit lumaganap ang korapsiyon kabilang na dito ang plunder, nepotism, graft at ang laganap na suhulan.
“All legislators must accept the dynastic politics has allowed for the prevalence if corrupt practices in all levels of government,” ayon kay Oducado.
Sinabi ni Oducado na bagama’t hindi naman lahat ng mga mambabatas ay bahagi ng “polical dynasty” subalit ang pakikiisa nila upang ito ay maisabatas ay magpapakita lamang na hangad nilang masolusyunan ang nasabing problema.
“Given that the enabling law on the political dynasty ban is way overdue. Any form of limiting political dynasties, especially in local politics is already a win,” sabi pa ng mambabatas.

