Calendar
Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na civic oriented organizations:
Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD),People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER),Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement,
na nagtataguyod ng katotohanan, katatagan, at dangal ng sambayanang Pilipino.
Goitia: PBBM inaayos na ang mga matagal nang dapat ayusin
SA panahong muling sinusubok ang tiwala ng publiko sa pamahalaan, hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na unahin ang mga repormang matagal nang ipinaglalaban ng taumbayan. Kabilang dito ang anti dynasty bill, ang pagreporma sa party list system, ang paglikha ng Independent People’s Commission, at mas malinaw na akses ng publiko sa paggastos ng gobyerno. Layon nitong ituwid ang mga kahinaang paulit ulit na nakikita sa ating pamahalaan at maglatag ng panibagong gobyerno na mas bukas, mas tapat, at mas nakatuon sa mamamayan.
Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ipinapakita ng mga hakbang na ito ang uri ng lideratong inuuna ang bayan bago ang pulitika.
“Ang pagpaprayoridad sa mga repormang ito ay paanyaya sa publiko na maniwala muli. Ipinapakita nitong handa ang Pangulo na ayusin ang matagal nang dapat ayusin.”
Binibigyang diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng transparency, lalo na sa paggastos ng gobyerno. Hakbang ito tungo sa pamamahala na hindi lamang nakikita kundi nauunawaan ng publiko.
Diin ni Goitia: “Lumalaki ang tiwala kapag nakikita ng tao ang galaw ng pamahalaan. Hindi dapat misteryo ang serbisyong bayan.”
Sa kabila ng ingay at intriga, nanatiling nakatuon ang Pangulo sa matatag na pagpapatupad ng reporma. Hindi siya nagpasilaw sa politika. Tinulak niya ang pagbabagong pangmatagalan.
Ayon kay Goitia: “Hindi salita ang reporma. Ito ay direksyon at tapang. At iyon ang ipinakita ng Pangulo.”
Pagod na ang maraming Pilipino sa lumang takbo ng politika. Kaya ang panawagan ng Pangulo para sa reporma ay nagbubukas ng bagong yugto ng pag asa at pagkilos. Hindi ito basta pangako.
Isa itong imbitasyon para sa buong pamahalaan at sa mamamayan na magtulungan.
Pagtatapos ni Goitia: “Ang tunay na pamumuno ay hindi nasusukat sa kung gaano kadali ang sitwasyon. Nakikita ito sa tapang na harapin at ayusin ang mga problemang matagal nang pinabayaan. Sa pagtulak ng Pangulo sa mga repormang ito, malinaw ang kanyang malasakit sa bansa.”

