Madrona

Pag-atake ng mga Tsekwang Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy kinondena ni Madrona

Mar Rodriguez Dec 15, 2025
235 Views

Madrona1π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š Vice-Chairman ng House Committee on Transportation, mariing kinondena ni Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang ginawang mapangahas na pag-atake ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga mangingisdang Pilipino malapit sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Madrona, Chairman din ng House Committee on Tourism, na bagama’t hindi kailangang tapatan ng kahalintulad na kapangahasan at karahasan ang ginawa ng CCG sa mga Pinoy fishermen na nagresulta sa pagkasugat ng mga ito at pagkasira ng kanilang bangka.

Gayunman, binigyang diin ng beteranong kongresista na dapat parin kondinahin ang tila-walang humpay na pambu-bully na ginagawa ng mga CCG sa mga Pilipinong mangingisda na ang tanging hangarin lamang ay makapag-hanap buhay ng maayos at tahimik sa WPS.

Ang labis na ikinaiinis ni Madrona ay ang pamimihasa ng CCG dahil sa patuloy nilang pangha-harass sa mga mangingisdang Pilipino kung saan harap-harapan nilang pinagbabawalan ang mga ito na maghanap buhay sa teritoryong sakop at pag-aari ng Pilipinas.

“Nakakainis ito at nakakapikon. Pero ano nga ba ang magagawa natin kundi ang kondinahin, iyan lang ang ating magagawa kasi alam naman natin na wala tayong laban sa puwersa ng mg Chinese in terms of military hardware, kaya ang tanging magagawa natin ay pumalag pero in a peaceful manner,” wika ni Madrona.

Iginigiit ng mambabatas na ang Escoda Shoal ay lehitimong pag-aari ng Pilipinas at ito aniya ay nasa loob ng economic zone ng bansa kaya walang karapatan ang CCG na pagbawalan ang mga Pilipinong mangingisda.

Samantala, ipinabatid ni Madrona na nagsimula ng talakayin sa Kamara de Representantes ang inakda at isinulong nitong House Bill No. 4312 na may pamagat na “An Act Renationalizing the Romblon Provincial Hospital” na naglalayong ilagay ang nasabing ospital sa direktang supervision at kontrol ng Department of Health (DOH).