Valeriano

Atas ni PBBM sa PNP na tiyaking ligtas ang holiday season sinegundahan ni Valeriano

Mar Rodriguez Dec 18, 2025
141 Views

π—¦π—œπ—‘π—˜π—šπ—¨π—‘π——π—”π—›π—”π—‘ nang Chairman ng House Committee on Public Order and Safety na si Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano ang naging paalala ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa Philippine National Police (PNP) na dapat tiyakin nilang magiging ligtas at mapayapa ang pagdiriwang ng mamamayan ng Holiday season.

Para kay Valeriano, dapat doblehin ng PNP ang pagtitiyak sa kaligtasan ng publiko ngayong holiday season sapagkat napakaraming “halang ang kaluluwa” umano ang gumagala para makahanap ng kanilang mabibiktima dahil alam nilang “paldo” ang mga tao sa ganitong panahon.

Pagbibigay diin ng kongresista na kung gaano kasigasig at kasipag sa paggawa ng “kawalang-hiyaan” ang mga masasamang loob ay dapat aniyang mas doblehin naman ng Kapulisan ang pagbabantay at pagtutok sa aktibidades ng mga ito para masagkaan ang anomang pagtatangka ng mga kriminal na gumawa ng pananamantala ngayong holiday season.

Sinabi ni Valeriano na mas mararamdaman ng mamamayang Pilipino ang panahon ng Kapaskuhan kung ito ay maipagdiriwang ng masaya at payapa kabilang na dito ang pakikipag-tulungan ng mga lokal na pamahalaan para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kanilang mga lugar.

Hinihikayat din ni Valeriano ang Kapulisan na panatilihin ang police visibility sa mga estratehiko at pampublikong lugar gaya ng transport hub, komunidad at shopping malls para tiyakin ang seguridad ng mga tao.

“Kung gaano kasipag ang mga kriminal sa paghahanap ng kanilanv mabi-biktima. Ganoon din dapat kasipag sa pagbabantay ang ating Kapulisan dahil alam ng mga taong ito na paldo ang mga tao ngayon kaya sila naman ay natataranta kung paano sila makakapang-biktima,” sabi ni Valeriano.