MOU

Lian, BFP, PNP, Army pumirma sa MOU para sa kapayapaan

212 Views

GINANAP ang pagpirma ng memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Batangas Police Provincial Office, Lian, Batangas, Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC), Philippine Coast Guard, Lian Fire Station; 59th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division, Philippine Army; at Department of the Interior and Local Government (DILG) IV-A.

Layunin ng MOA signing na tiyakin ang protektahan ang kapakanan ng komunidad, iwasan at sugpuin ang terorismo at tugunan ang mga banta sa
pambansang seguridad.

Ang Batangas PPO ay matatag sa pangako nitong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, palakasin ang mga pagsisikap sa pag-iwas at pagsugpo sa krimen at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng publiko bilang suporta sa mga pambansang inisyatiba.