Dolor

Makukulay na giant lanterns nagningning sa Salong Dagitab ’25

Helen D. Prado Dec 20, 2025
308 Views

CALAPAN CITY–Itinanghal na kampeon ang giant lantern na disenyo ng Cornerstone Construction Development and Supplies Corp. at Golden Spires Construction Corp. sa Cluster 9 sa Salong Dagitab 2025 festival.

Nakakuha ng 92.34% ang parol na ito at nagwagi ng P200,000.

Pumangalawa sa score na 84.59% ang Ping Xi Sky Lantern Festival ng Taiwan mula sa Cluster 1 na nag-uwi ng P150,000.

Pumangatlo sa rating na 80.68% ang Vesak Lantern Festival ng Sri Lanka na nagwagi ng P100,000.00 mula Cluster 2 na kinabibilangan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), Provincial Public Employment and Services Office (PPESO), Provincial Tourism Office (PTO), Civil Security Division (CSD) at Botika ng Lalawigan (BLOM).

Pinangunahan nina Gob. Humerlito “Bonz” Dolor at Vice Governor Atty. Jojo Perez ang paggawad ng mga parangal sa mga nanalong lanterns.

Nagkaroon din ng pamaskong handog para sa mga bata sa ginanap na Children’s Christmas Party kung saan namahagi ng mga regalo ang mga kawani ng Office of the Governor.

Nakatanggap din sila ng Christmas treats tulad ng cotton candy, popcorn at ice cream.