Calendar
Nag-uusap sina Usec Ceferino Rodolfo (kaliwa) ng DTI-BOI, Gov. Joet Garcia (2nd from right), Vice Mayor Francis Garcia (kanan) at Chairman/CEO Jopet Inton ng Baseco.
DTI/BOI hinimok investors na tingnan ang Bataan
BALANGA CITY, Bataan–Iminungkahi sa mga investors ng opisyal ng Department of Trade and Industry at Board of Investment na mag-invest sa Bataan.
Sa ginanap na Semiconductor and Electronics Summit noong Disyembre 19, sinabi ni DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo na sinasabi niya sa mga investors na tingnan ang Bataan dahil strategic ang location nito.
Pinuri rin ni Usec Rodolfo ang mga naggagandahang infrastructure ng lugar gaya ng access road sa Bataan at nandito rin ang AFAB, Hermosa ecozone, SBMA at iba pa.
Umabot sa 70 percent ng area ang nasasakupan ng Bataan sa kinalalagyan ng SBMA.
Tinalakay naman ni Gov. Joet Garcia ang malinaw na direksyon at matibay na adhikain ng lalawigan na maging pangunahing sentro ng mga namumuhunan.
“Maraming salamat po sa mga dumalong kapwa ko lingkod-bayan, mga locators, kinatawan ng business sector at academe, at higit sa lahat, kay Cong. Gila Garcia na siyang punong-abala para maging posible ang pagtitipong ito,” dagdag ni Gov. Garcia.

