Dahil sa estafa, Koreano naaresto

Bernard Galang Dec 21, 2025
330 Views

ANGELES CITY, Pampanga–Inaresto ng mga pulis noong Sabado ang isang Korean national dahil sa kasong syndicated estafa sa Korean Town sa Brgy. Anunas ng syudad na ito.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., kinilala ng Angeles City police ang suspek na si alyas Jae, 60, ng Morning Calm Villas, Clark Freeport Zone, Pampanga.

Naaresto si Jae sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 116 ng Angeles City para sa kasong syndicated estafa. Walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang paglaya ng suspek.