Calendar
Pagkakatalaga kay Gen. Torre bilang GM ng MMDA ikinagalak ng House Committee on Metro Manila Development
π‘πππ£ππππ¬ππ ng kagalakan ang Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Caloocan City 3rd District Representative Dean Asistio dahil sa pagkakatalaga kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III bilang bagong General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Nauna nang kinumpirma ng Malakanyang na itinalaga si Torre bilang bagong GM ng MMDA kapalit ni Procopio Lipana.
Dahil dito, sinabi ni Asistio na malaki ang maitutulong ni Torre bilang General Manager dahil sa malawak na karanasan nito sa public service at law enforcement kasunod ang kakayahan din nitong mapalakas ang mandato ng ahensiya partikular na ang traffice management, public safety at ang kaayusan sa Metro Manila.
“General Torre is a welcome addition to the MMDA. Ako ay buong tiwala na malaki ang magagawa ni General Torre para maisa-ayos ang pamamalakad sa MMDA at makakatulong din siya para maisa-ayos ang problema ng trapiko sa Metro Manila,” ayon kay Asistio.

