Martin3 Bumisita kay House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para sa isang “courtesy call” ang Japanese Ambassador to the Philippines na si Koshikawa Kazuhiko para pag-usapan ang maganda at malusog na relasyon sa pagitan ng bansang Hapon at Pilipinas. Kuha ni VER NOVENO

Japanese ambassador to PH bumisita kay Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Aug 9, 2022
205 Views

BUMISITA kay House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para sa isang “courtesy call” ang Japanese Ambassador to the Philippines na si Koshikawa Kazuhiko para pag-usapan ang maganda at malusog na relasyon sa pagitan ng bansang Hapon at Pilipinas.

Sinabi ni Speaker Romualdez na pinag-usapan din nla ng Japanese Ambassador na lalo pang mapabuti at mapa-igting ang malaon at magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Kasama sa naganap na “courtesy call” sa pagitan nina Romualdez at Kazuhiko ay sina Kuronuma Kenji, Senior Representative of Japan International Corporation (JICA), Akihiko Hitomi, First Secretary at Yukari Koiki, Pilitical Officer ng Japan