Calendar
Rep. Momo: DWR magandang regalo sa mga Pilipino
MAGANDANG regalo ngayong Kapaskuhan ang pag-apruba ng Kamara de Representantes sa kanyang inakdang panukalang batas na nagtatatag ng Department of Water Resources (DWR), ayon kay Surigao del Sur Rep. Romeo S. Momo Sr.
Sinabi ni Momo na inaprubahan na sa plenaryo ng Kamara ang House Bill No. 6789. Siya ang principal author ng panukalang batas na ito na naglalayong itatag ang Department of Water Resources.
Ayon kay Momo, ang pangunahing objective ng panukala ang maging pangunahing ahensiya na mangangalaga sa pagsasaayos ng supply ng tubig sa ating bansa.
Kabilang sa mga magiging tungkulin ng DWR ay ang pagtitiyak na maayos ang water supply sa mga lalawigan at munisipalidad kasama ang sanitation, irrigation, hydropower, industry, navigation, flood management at water utilization.
Binigyang diin ni Momo na napakahalagang legislation ang ipinasa ng Kamara de Representantes sapagkat ang House Bill No. 6789 ang tutugon sa matagal ng problema ng mamamayan sa mahinang serbisyo ng water supply sa ating bansa.

