Abuso

SC: FB account madali gawin, ‘wag i-deny na kayo holder

179 Views

NA-convict ng Supreme Court (SC) ang isang lalaki na gumagamit ng social media account kahit na todo-tanggi ito na siya ang gumagamit ng account.

Ang conviction ang guide ng SC sa pagbababa ng hatol tungkol sa tunay na may-ari ng anumang social media account na ginamit sa anumang paraan, particular sa paninira.

Sa 30-page decision, na-convict si “John” dahil sa psychological violence na ibinigay sa kanyang ex-girlfriend na si “Mary.” Sentensyado si John ng walong taong jail term at pinagbabayad ng P100,000 na multa.

Nangyari ang psychological violence sa mga statements tungkol sa babae sa FB.

Nakatanggap ng mga messages mula kay John ang anak nila ni Mary mula sa tatlong taong relasyon.

Sa mga messages, sinisi ni John si Mary kaya na heart attack ang nanay niya.

Nakatanggap din si Mary ng mga messages sa Kapampangan sa FB na sinasabing “dirty” woman at “animal” siya.

Paulit-ulit ang mga insulto na nabasa ng marami dahil public posts ang ginawa ni John.

Sinampahan ni Mary ng demanda si John dahil sa paglabag sa RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children (Anti-VAWC) Act.

During trial, inamin ni Mary na siya ang gumawa ng account ni John sa FB at prinesent din sa pagdinig ang mga printouts ng mga screenshots ng mga posts sa FB.

Itinanggi ni John na kanya ang account pero inamin na siya ang nasa litrato kasama ang anak sa live-in partner niya.

Hindi naniniwala ang Family Court at Court of Appeals kaya guilty ang desisyon kay John.

In-affirm ng SC ang conviction, dahil malinaw na nakilala siya na talagang offender sa mga insulto sa FB kahit na todo-tanggi na ginagamit niya ang naturang FB account.

Ayon sa SC, lahat ng elements sa psychological violence na-commit ni John at hindi pinaniwalaan na hindi niya naa-access ang FB account niya. Philippine News Agency