PSA

Edad 65 pataas na nagtatrabaho dumami

205 Views

TUMAAS ang bilang ng mga edad 65-taong gulang o higit pa na nagtatrabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa datos ng PSA, 38.2 porsyento (2.53 milyon) ang naitalang 65-anyos pataas na nagtatrabaho noong Hunyo tumaas mula sa 34.9 porsyento (2.30 milyon) na naitala noong Mayo.

Ang edad na 65 ang compulsory retirement age sa bansa pero mayroong mga indibidwal na nais at kaya pa ring magtrabaho.