Ecstasy

4,124 tableta ng Ecstasy nasabat sa cargo facility sa Clark Freeport Zone

Edd Reyes Jan 4, 2026
176 Views

Ecstasy1NASABAT ng mga awtoridad ang dalawang kahong naglalaman ng mga ilegal na droga sa cargo facility sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) Director P/BGen. Dionisio Bartolome, Jr. nadiskubre ang kontrabando nang sumailalim sa X-ray screening ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang kahon na sa pagsusuri ay hindi tugma sa idineklarang automotive accessories na laman nito.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang BOC sa AVSEGROUP na miyembro ng Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group upang magsagawa ng masusing pagsusuri sa laman ng dalawang kahon sa harap ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagpadala pa ng drug sniffing dog.

Dito natuklasan na naglalaman ang mga kahon ng kabuuang 4,124 na tableta ng hinihinalang Ecstasy na may kabuuang halaga na P7,040,125,00 na kumakatawan sa P4,591,275 na halaga ng 2,693 na kulay-ube na tableta na nakuha sa unang kahon at 1,431 na tabletang iba’t-iba ang kulay na nagkakahalaga ng P2448,850.00. na nasa ikalawang kahon.

Batay sa inisyal na ulat, nagmula sa bansang Austria ang kontrabahdo na nakatakdang ideliver sa isang consignee sa Davao City.

“This successful interception highlights the collective vigilance, professionalism, and seamless coordination of all authorities involved, reaffirming our shared commitment to strengthening border security and relentlessly combating transnational drug trafficking through our air cargo gateways,” pahayag ni BGen. Bartolome.