PJI

Dating Cashier Manager na si Visitacion ‘Tess’ Espartero, 74, pumanaw na

318 Views

PUMANAW na si Visitacion “Tess” Espartero, dating Cashier Manager ng Philippine Journalists, Inc. (PJI), noong Enero 2, 2026, sa edad na 74.

Naulila niya ang kanyang mga kapatid na sina Josephina Andres, Socorro Sales, Rolino Espartero, Domingo Espartero at Zaldy Espartero.

Ilang taon na naglingkod nang tapat si Tess sa Philippine Journalists, Inc., kung saan nakilala siya sa kanyang propesyonalismo, kasipagan, at magiliw na pakikitungo sa kanyang mga kasamahan.

Ang kanyang dedikasyon sa trabaho at tahimik na lakas ng loob ay nag-iwan ng pangmatagalang alaala sa lahat ng nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho siya.

Ang kanyang mga labi ay nakaburol sa Luna Room, Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque, at ang inurnment ay gaganapin sa Enero 8 sa St. Therese Columbarium in Resorts World, Pasay City.

Inaanyayahan ng pamilya ang mga kaibigan at mga kasamahan na mag-alay ng panalangin at magbigay ng huling pagpupugay.