Calendar
Nasa kalye nabundol, umabot sa kabilang buhay
NASAWI ang isang babae ng magulungan ng dump truck habang tumatawid sa pedestrian lane sa Brgy. Commonwealth, Quezon City noong Hunyo 15.
Batay sa kuha ng CCTV, binabagtas ng dump truck ang pedestrian lane pero hindi umano napansin ng driver ang babae na noo’y tumatawid kaya nasalpok at nagulungan ang biktima.
Ayon sa driver, hindi niya namalayang may nasagasaan siya at inakala lamang na nalubak ang kanyang truck.
Isang traffic enforcer pa ang nagpahinto sa kanya matapos ang insidente at doon lamang niya nalaman ang nangyari.
Humingi ng tawad ang driver sa pamilya ng biktima at nagpahayag ng pakikiramay.
Sinabi ni Police Captain Paul Norman Larugal na may pananagutan ang mga motorista na tiyaking ligtas ang mga pedestrian lalo na sa mga tawiran.
Dead-on-arrival ang biktima sa ospital.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng QCPD Traffic Sector 5 ang driver habang sumasailalim sa inquest proceedings kaugnay ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.
