Calendar
Provincial
P442K shabu huli sa 2 tulak
Jojo Cesar Magsombol
Jan 9, 2026
496
Views
KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas City–Dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na shabu ang naaresto ng mga pulis noong Huwebes.
Kinilala ni Batangas police director P/Col Geovanny Sibalo ang mga nahuli na sina alyas Bart, 52; at Herald, 42, na nadakma sa buy-bust ng Batangas City police katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakumpiska sa dalawa ang 65 na gramo ng shabu na may standard price na P442,000, sling bag at siyam na P1,000 bills.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa laban sa dalawa sa Batangas City Prosecutor’s Office.
Nakakulong sa Batangas City police ang dalawang nahuling suspek.
61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Mag-jowa tiklo sa Batangas; P1M shabu, boga kubra
Oct 10, 2026
Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan
Oct 10, 2026
7TH MOBILE CLINIC NG SM FOUNDATION
Oct 10, 2026
2 LPA binabantayan, bagyo nasa labas ng PAR
Oct 10, 2026
Karagatan ng Batangas niyugyog ng M3.8 na lindol
Oct 10, 2026

