Droga Iniharap ni PLt. Col. Rommel Anicete ang suspek sa ilegal na droga na natimbog ng mga operatiba ng MPD Baseco Police Station 13 sa T. M. Kalaw Street, Ermita, Manila.

Dahil sa droga, kelot nasiklot

Jon-jon Reyes Jan 12, 2026
278 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Baseco Police ang 21-anyos na lalaki dahil sa pangangalakal ng ilegal na droga sa T. M. Kalaw Street, Ermita, Manila, nitong Linggo.

Nakilala ang suspek na si alyas “Angelito” na kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco Police Station 13, bandang alas-12:30 ng tanghali nang damputin ang binata sa pamumuno ni PLt. Apolonio Ellao.

Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Thelma Bunyi-Medina ng Regional Trial Court Branch 32.

Puwedeng makalaya pansamantala ang suspek kung makapaglalagak ng P200,000 na piyansa.