Carnap

Lalaki nabitag sa carnap

267 Views

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas–Arestado noong Huwebes ang lalaking suspek sa carnapping sa Brgy. San Andres, Malvar, Batangas.

Hinuli ang suspek na si alyas Joel, 41, dahil sa reklamo ni alyas Leonardo, 41.

Ayon kay Leonardo, bandang alas-6:10 ng gabi ipinarada niya ang Isuzu van (WDO 585) sa garahe ng kumpanya.

Pagbalik niya bandang alas-8:00 ng gabi wala na ang nasabing sasakyan.

Isang saksi, si alyas Ronald, 30, ang nagsabi na bandang alas-6:20 ng gabi nakita niya ang suspek na kinukuha ang sasakyan.

Kumilos ang mga pulis na humantong sa pag-aresto sa suspek at nabawi ang sasakyan bandang alas-10:00 ng umaga noong Enero 15 sa Brgy. Marinig, Cabuyao City, Laguna.

Inihahanda na ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 10883 (Anti-Carnapping Act of 2016).