Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Source: File photo
Provincial
P150K natangay ng mga magnanakaw sa KFC Bulacan
Bernard Galang
Jan 22, 2026
413
Views
SAN MIGUEL, Bulacan–Pinasok ng mga magnanakaw ang KFC outlet sa Brgy. Camias, San Miguel, Bulacan at tinatayang P150,000 ang natangay noong Martes.
Nadiskubre ang insidente ng store manager na si Carlos Esdicul, 33, ayon sa report.
Batay sa imbestigasyon, sinira ng mga suspek ang gilid na pinto ng fastfood chain upang makapasok at pwersahang binuksan ang vault at tinangay ang tatlong araw na benta na nagkakahalaga ng P150,000.
Sinira rin ng mga suspek ang CCTV monitor ng tindahan bago tumakas sa likurang pinto.
Patuloy ang follow-up operations ng pulisya upang makilala at maaresto ang mga suspek.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

