Kotse Source: Baras Police Station file FB photo

Basag Kotse Gang umatake sa N. Ecija

Bernard Galang Jan 22, 2026
195 Views

ZARAGOZA, Nueva Ecija–Umatake ang tinaguriang Basag Kotse Gang sa Brgy. Sto. Rosario Young, Zaragoza, Nueva Ecija at tinangay ang baril at iba’t- ibang personal na gamit ng biktima noong Martes.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Nieves, 72, ayon sa report.

Batay sa imbestigasyon, ipinarada ng biktima ang kanyang Honda Civic (AAJ 4389) sa harap ng kanilang bahay bandang alas-4:00 ng hapon.

Pagbalik niya sa sasakyan bandang alas-7:00 ng gabi, nadiskubre niyang puwersahang sinira ng mga suspek ang kanang likurang bintana ng sasakyan at tinangay ang kanyang 9mm pistol, lisensya ng baril, passport, dalawang BDO passbooks at iba’t-ibang identification cards.

Tumakas ang dalawang suspek patungong kanlurang direksyon ng La Paz, Tarlac matapos isagawa ang krimen, ayon sa report.