MJ

P16.3M marijuana plants binunot, sinira sa Benguet

Alfred Dalizon Jan 31, 2026
152 Views

BINUNOT at sinira ng mga pulis noong Miyerkules sa Kibungan, Benguet ang tinatayang P16.3 million na halaga fully-grown cannabis plants, ayon sa report kay PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr.

Sinira ang mga droga sa tulong ng mga officers ng Philippine Drug Enforcement Agency, Cordillera Provincial Police Office ang marijuana plantation sa Brgy. Tableo, Badeo, Kibungan.

Tinatayang nasa 3,500 fully-grown marijuana plants na may bigat na 130 kilograms ang sinira.

“Hindi lang ito tungkol sa dami ng nasamsam. Ang mahalaga dito, napuputol natin ang pinanggagalingan ng droga bago pa ito makarating sa ating mga komunidad. This is how we protect our families, by denying criminal groups the chance to profit from illegal drugs,” sabi ng PNP chief.

Nakalinya ang operasyon laban sa ilegal na droga sa Enhanced Managing Police Operations, ayon kay Nartatez.

“Under EMPO, mas maayos na planning, mas mabilis na aksyon, at mas malinaw na resulta sa ground. Kapag nagtutulungan ang PNP at PDEA, mas ramdam ng publiko ang epekto,” sabi ng heneral.